Tinanghal na kampyon si Lovel Iverson Linan ng Centro Escolar Las Pinas sa LAPPRISA Palarong Malaki Chess Competition
September 9, 2017
Tinanghal na kampyon si Lovel Iverson Linan ng Centro Escolar Las Pinas matapos daigin ang 34 na iba pang kalahok sa LAPPRISA Palarong Malaki Chess Competition sa istanding na 5-0-1 sa AMA Basic Education, ika-9 ng Setyembre, 2017.
Ani Linan, “Masaya ako na nabigyan ko ng karangalan ang CELP. Nagpapasalamat ako sa Section Galileo dahil napraktis talaga nila ako sa chess, lagi kmaing naglalaro every vacant period, pati na rin sa mga kasamahan ko sa training at kay Sir James. Sana sa pagkapanalo ko ngayon, maging simula ito ng suno-sunod na panalo ng CELP sa Chess”. Naging maaksyon na ang tunggalian sa unang round pa lang nang kalabanin ni Linan si Angelo Tenorio, isa ding magaaral ng CELP kung saan nagresulta sa tabla ang laro. Tila mapaglaro ang tadhana nang sunod na nakaharap ni Linan ang isa na naming estudyante ng CELP na si Nathan Andrew Suarez at sa pagkakataong ito, wagi si Linan, checkmate gamit ang queen at rook. Pagkatapos ng una at ikalawang round, walang awang pinaluhod n gating kampeon ang mga nakalaban, isa na ditto ang nasa ikalawang pwesto na si Ralph Marvin Alejandro ng Schola de Vita upang mabingwit ang kampeonato. Inangkin naman ni Tenorio ang ikatlong pwesto na kumolekto ng apat na panalo, isang talo at isang draw, samantalang si Suarez ay nasa ikalawang pwesto na may apat na panalo at dalawang talo dahilan upang tanghalin ang CELP na overall champion sa Boys Chess Competition. Samantalang ang mga babae nating pambato na sina Reanne Crystel San Miguel, na kinilala din bilang youngest female chess player ng LAPPRISA, Kimberly Garrigo, at Jacquiline Sanchez ay kapwa nakaipon ng dalawang panalo sa loob ng limang rounds.